Registration para sa COVID-19 vaccination ng A4 category, umarangkada na sa Taguig City

Binuksan na ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang registration sa COVID-19 vaccination para sa mga residente at manggagawang kabilang sa A4 category o essential workers.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, maaari nang magpa-schedule ng vaccination ang mga nagtatrabaho na naninirahan sa loob o labas ng Taguig.

Mas pinasimple na rin ang sistema para sa mga negosyong nakatayo sa lungsod dahil may option na ng “group schedule” upang sabay-sabay silang mababakunahan.

Sa kasalukuyan, 15 percent na ng eligible population sa Taguig ang nabakunahan kontra COVID-19.

Nasa 121,269 na ang nakatanggap ng first at second dose ng bakuna sa nagpapatuloy na vaccination program.

Pinakamarami ang nabakunahang persons with comorbidity na may 68,647, habang 40,180 sa senior citizens, at 12,442 sa healthcare workers.