Registration at orientation para sa PUV drivers na sumali sa Service Contracting Program ng DOTR at LTFRB, itutuloy bukas

Itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board bukas hanggang Biyernes ang general registration at orientation sa Quezon City Memorial Circle para sa Service Contracting Program.

Ito’y matapos ipagpaliban ng LTFRB ang aktibidad kahapon.

Kaugnay nito, bukas pa rin ang transaksyon sa LTFRB Central Office s a mga drayber na nais sumali sa programa.

Ipinagbigay alam din ng LTFRB na makakatanggap pa ng Php 20 libong incentive ang mga onboarded PUJ drivers hanggang Hunyo 15.