Region III at IV-A, kabilang na sa pagdarausan ng pilot run ng Resbakuna Kids program

Agad na ipamamahagi ng pamahalaan ang reformulated Pfizer Vaccine para sa 5 to 11 years old sa oras na dumating na ito sa bansa.

Ngayong gabi, inaasahan ang pagdating ng 780,000 doses ng COVID vaccine para sa age group na ito.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na mapapabilang na rin sa pilot run ng Resbakuna Kids ang ilang piling vaccination site sa Region III at IV-A.

Aniya, February 7, 8, at 9 ang itinakdang petsa ng pamahalaan para paglulungsad ng Resbakuna Kids.

Nagpapatuloy aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa isang lugar mula sa Cotabato, at isang regional hospital sa Davao City para sa pagpapalawig ng programang ito.

Habang pagsapit ng February 14, inaasahang maikakasa na sa buong bansa ang pediatric vaccination na ito.