Recruitment agencies, maaaring bigyan ng self-regulating status

Posibleng mabigyan ng self-regulating organization (SRO) status ang mga private recruitment agency kasabay ng pagbuo ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFW).

Paliwanag ni Albay Representative Joey Salceda, halos limang dekada na mula ng opisyal na magpadala ng OFW ang bansa at panahon na aniya para bigyan ng kalayaan ang mga private recruitment agency.

REP. SALCEDA

Mga private recruitment agency, isinusulong na mabigyan ng self regulating organization status. | via Kathleen Jean Forbes www.radyopilipinas.ph

Posted by Radyo Pilipinas on Tuesday, 8 October 2019

Sa pamamagitan nito, maaari nang makapagpadala ng OFW ang isang recruitment agency ng hindi na dumadaan sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA).

Kabilang naman sa mga ipinapanukalang requirement para magkaroon ng SRO ay ang hindi na paniningil ng placement fee at sumunod sa ethical standard for work, tulad na lamang ng hindi pagpapadala sa mga trabaho na malapit sa human trafficking.