Rebel returnees, plano ng Pangulo na gamiting DDS na pantapat sa NPA SPARU unit

Target ni Pangulong Rodrigo Duterte na kunin ang mga nagsurender na rebelde sa pamahalaan para bumuo sa Duterte death squad.

Ayon sa Pangulo, ang DDS ang ipantatapat niya sa SPARU unit ng New People’s army (NPA).

Marami naman aniya ang nagbalik-loob sa pamahalaan at maaaring mapakinabangan pa.

Utos ng Pangulo sa DDS, kapag may nakaupo na tatlo o apat na NPA na paupo-upo o tumatambay sa mga karinderya at naging pasaway, agad nang patayin para wala nang mahabang istorya.

Nakakapagod aniya kung maghahain pa ng kaso laban sa mga rebelde, kung kaya mas makabubuting magkaroon na lang ng mas mabilisang aksiyon kontra sa mga rebelde.

Pero ayon naman sa Philippine National Police (PNP), maaaring maihalintulad ang magiging trabaho ng DDS sa mga CAFGU. | ulat ni Alvin Baltazar