Reappointment ng ilang dating opisyal ng gobyerno, inaprubahan ng Pangulong Duterte

Balik-gobyerno na si dating Social Security System (SSS) Commissioner Jose Gabriel “Pompee” La Viña.

Base kasi sa ibinabang appointment letter ng Malacañang na may petsang April 24, 2018, itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte si La Viña bilang Undersecretary ng Department of Tourism (DOT).

Kung matatandaan, kasabay ni La Viña si dating SSS Chairman Amado Valdez na hindi na ni-renew ang appointment sa SSS nitong Pebrero 2018.

Sa ngayon ay ‘no comment’ pa muna ang Malacañang sa reappointment ni La Viña.

Samantala, ilan pa sa mga na-appoint sa ibang pwesto sa gobyerno ay sina Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Director Benny Antiporda bilang undersecretary ng DENR, Agnes Alexis De Grano at Rosario Sagadal bilang commissioners ng NLRC.

Bukod dito ay inirekomenda rin ng Pangulo sa NaPolCom ang pagtaas ng ranggo ng tatlong pulis mula Senior Superintendent tungo sa pagiging Chief Superintendent. Gayundin ang promotion ni Chief Superintendent Elmo Francis Sarona sa ranggong Police Director. | via Nimfa Mar Asuncion