‘Ready Set Go Movement’, opisyal na inilunsad ngayong araw ang isang basketball event

Upang lalo pang makumbinse si Special Assistant to the President (SAP) Christopher Bong Go na tumakbong senador sa taong 2019, opisyal na inilunsad ngayong araw na ito ng ‘Ready Set Go Movement’ ang isang basketball event dito sa Verdant Court sa Pamplona, Las PiƱas City.

Tinawag itong ‘3-pointer ng Bayan’ na unang bahagi lamang sa planong pagsasagawa nito sa 113 siyudad sa buong bansa.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, malapit ang puso ni SAP Bong Go sa mga kababayang mahihirap at bilang mahilig din sa basketball at 3-pointer sa laro ay isa ito sa naisip na paraan ng grupo upang lalo pa siyang ipakilala sa publiko partikular na sa mga kabataan.

Aminado naman si Andanar na bagamat hindi pa 100% na kumbinsido si Secretary Go para sa 2019 senatorial election ay kailangan pa aniya ang doble kayod na trabaho upang maisulong ang kandidatura nito.

Sakali namang magtuluy-tuloy ang kapalaran ni Go sa senado, binanggit pa ng kalihim na aatupagin nito ang pagsusulong sa kampanya laban sa droga, kriminalidad at korapsyon kahalintulad sa krusada ng Duterte Administration.

Matatandaan nitong March 14 opisyal na inilunsad ang ‘Ready Set Go Movement’ – ang nangungunang nagsusulog na himukin ang long time aid ng pangulo na tumakbong senador.

Pero agad na nilinaw ng palasyo na ang ganitong pagkilos ay hindi umano para sa maagang paglulunsad ng kandidatura ni SAP Bong Go. | via Shane Juan