Ravena, hindi muna palalaruin sa PBA Commissioner’s Cup

Hindi na muna palalaruin ni Coach Yeng Guiao sa NLEX si Kiefer Ravena sa ginaganap na PBA Commissioner’s Cup.

Ayon sa panayam ng isang istasyon ng telebisyon  kay Coach Yeng,  simula bukas, araw ng Miyerkules, sa laban ng NLEX kontra sa Blackwater ay hindi na muna lalaro si Ravena.

Sa ngayon, susunod ang NLEX sa desisyon ng FIBA  hangga’t wala pang utos mula sa management ng Samahang Basketbol ng Pilipinas o PBA.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, sila ay naghinintay pa rin  ng  written advisory mula sa SBP kung kasama ang PBA sa scope ng suspension ni Kiefer.

Samantala,  ayon kay Guiao focus pa rin ang NLEXsa kanilang layunin na makapasok sa semifinals at nananatiling optimistic na makaka-move on mula sa masaklap na sitwasyon ni Ravena.

Photo courtesy: PBA Image