Random check ng mga pulis sa mga dayuhang lumalabag sa Immigration, Labor laws, iminungkahi ng isang partylist grp

Inirekomenda ng ACT-CIS Party-list na payagan ang mga pulis na magsagawa ng random check para sitahin ang mga dayuhang lumalabag sa Immigration o Labor laws ng Pilipinas.

Para ito mapigilan ang mga dayuhan na nag-o-overstay o nagtatrabaho na walang kaukulang employment permits.

Wala naman aniyang dapat na ikabahala rito kapag palagi naman dala-dala ng mga dayuhan ang kanilang mga passports at kopya ng permits, katulad ng ginagawa ng mga Pilipino kapag nasa abroad.

Katulad ng ginagawa ng mga pulis sa ibang bansa, may awtoridad ang mga ito na tingnan ang mga dokumentong hawak ng mga Pilipino at iba pang dayuhan.

Samantala, sinusuportahan din ng naturang partylist group ang patuloy na pagpapatupad ng BIR sa kanilang kampanya laban sa mga tax evading establishments at pagpapasara ng mga ito dahil sa hindi pagsunod sa panuntunan na pagbabayad ng buwis.

Kasunod ito ng pagpapasara ng BIR sa ilang POGO companies sa Quezon City at Subic kamakailan.

Pero panawagan ng ACT CIS, baka panahon na mara higpitan pa ang parusang ipapataw sa mga tax evading establishments.

Hindi na anila sapat na pagbabayarin lamang ang mga ito ng hindi nabayarang buwis at maaari nang muling magbukas o bumalik sa operasyon pagkatapos.