Rachelle Ann Go, ikinasal na; K-Pop boy band na BTS, nanguna bilang Most Influential People sa Time 100

Ilang araw bago tuluyang ipasara ang Boracay mula sa mga turista, ikinasal na kahapon sa isla ang Pinay Broadway singer and actress na si Rachelle Ann Go.

Espesyal ang naturang lugar para sa dalawa lalo’t dito rin nagpropose sa kaniya ang American boyfriend na si Martin Spies.

Pebrero noong nakaraang taon ng magkakilala ang dalawa matapos i-set up ng kanilang kaibigan. Wala pang isang taon ng ma-engage naman sila at ngayon nga ay nangako ng magsasama ng panghabambuhay.

Sa ibang balita, nanguna sa 2018 TIME 100 Reader Poll most influential people ang Korean pop boy-band na BTS.

Naungusan lang naman nito ang iba pang kilalang personalidad gaya nina dating US President Barack Obama, Serena Williams, Bruno Mars, Rihanna at maging ang Santo Papa.

Matatandaang noong nakaraang taon, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanguna sa naturang listahan. | via Eunice Garcia-Lancauon