Quo warranto petition ni Ely Pamatong sa Korte Suprema kontra kay Pangulong Duterte, ‘nuisance petition’ ayon sa Palasyo

Tinawag ng Palasyo na isang “nuisance petition” lamang ang inihaing quo warranto ni Ginoong Ely Pamatong sa Korte Suprema kontra kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo kaugnay ng nasabing hakbang ni Pamatong na naglalayong bakantehin ng Pangulo ang kanyang puwesto.

Paliwanag ni Panelo, tanging Solicitor General lamang ang maaaring maghain ng quo warranto o pribadong indibidwal na entitled sa posisyon.

Lalo aniyang walang merito si Pamatong na maghabol sa puwesto ng Presidente gayung  hindi naman ito kumandidato noong nakalipas na 2016 presidential elections.

Sa kabilang dako’y inihayag ni Panelo na nagtagumpay naman si Pamatong sa layunin nitong mapansin ng mga kagawad ng media. | ulat ni Alvin Baltazar

Photo courtesy: Salvador Panelo FB page