Quarantine pass, naipamahagi na ng QC LGU sa mga residente

Nakumpleto na ng mga barangay sa Quezon City, na ipamahagi sa mga residente nito ang mga quarantine pass para sa mga papayagan lamang na lumabas ng kanilang tahanan, habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong National Capital Region (NCR).

Ang Department of Public Order and Safety (DPOS), Barangay Affairs, at mga barangay official, ang siyang nangasiwa sa pamamahagi ng quarantine pass.

Tiniyak ng DPOS, na maipapatupad ng maayos ang lahat ng mga safety protocol sa mga supermarket, palengke at iba pang establisyimento habang umiiral ang ECQ.

Tanging ang mga naka pangalan lamang sa quarantine pass ang papayagang makalabas ng kanilang tahanan.

Tiniyak din ng DPOS, na hindi mapepeke ang mga naipamahagi na quarantine pass dahil mayroon silang mga bar code na inilagay.