Quarantine classification ng NCR, pag-uusapan na

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na pag-uusapan pa ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases kung isasailalim ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon kay Duque, pag-uusapan nila kung may sapat nang batayan ang pag lalagay sa NCR sa sa MECQ.

Aalamin din ni Duque kung kailangan ng heightened restrictions na MECQ.

Pag uusapan din anya kung dapat bang huwag palabasin ang mga non-essential workers o huwag payagan ang mga non-essential activities.

Tatagal ang enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region hanggang Agosto 20.

Nauna ring sinabi ng Department of Health na maaaring palawigin ang naturang restriksyon.