Quarantine classification na una nang inanunsiyo ni PRRD, pinal na — Palasyo


Pinal na ayon sa Palasyo ang mga quarantine classification na una nang inanunsyo ni Pangulong Rordrigo Roa Duterte.

Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ay dahil tapos na ang takdang panahon na ibinigay ng Inter Agency Task Force (IATF) sa mga siyudad at probinsya upang umapela.

Ibig sabihin, nasa ilalim pa rin ng general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Bacolod City, Tacloban City, Iligan City, at Lanao del Sur.

Habang modified GCQ ang ibang lugar sa bansa na hindi nabanggit.

Samantala, kasabay nito ay inanunsiyo rin ng kalihim na inaprubahan na ng IATF ang resumption ng face to face medical clinical program ng University of the Philippines College of Medicine.

Ayon kay Secretary Roque, ito ay magaganap sa UP-PGH Hospital at magiging exception sa ilang mga omnibus guidelines ng COVID-19 na binuo ng IATF.