QCTF-TTM sa business establishments: Ipagbawal ang illegal parking, obstructions

Isang linggo bago ang 60-day deadline ng clearing operations, umapela na sa mga business stablishment sa buong Quezon City ang QC Task Force for Transport and Traffic Management (QCTF-TTM) na makipagtulungan.

Partikular na hiniling ni Task Force Chief Atty. Ariel Inton, na huwag nang pahintulutan sa kanilang bisinidad ang illegal parking at obstructions.

Aniya, ginagawa na ng pamahalaang lungsod ng QC ang lahat sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte para makatugon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Memorandum Circular No. 2019-121, na linisin sa obstructions ang mga public road at sidewalks sa loob ng 60 araw.

Base sa pahayag ng alkalde, halos nasa 90% na ng mga pangunahing lansangan sa lungsod kabilang ang Mabuhay Lanes at secondary roads ang nalinis na ng local government.

Sinabi ni Inton, nagiging consistent naman ang anti-traffic task force sa pagpapatupad ng follow-up operations laban sa illegally-parked vehicles at obstructions sa mga kalsada at bangketa.

Bagamat marami nang business establishments owners ang sumunod may ilan pa rin ang nagmamatigas at binabalewala ang kanilang paalaala.

Nagmungkahi pa ang task force chief sa mga establishment, na payuhan ang kanilang mga security guard na sa tamang lugar na lamang magpa-park ng kanilang customers.

Sinisisi kasi ng mga costumer ang mga security guard, na nagpapahintulot sa kanila na magpark sa hindi tamang lugar.