QCPD, inatasan ng PNP Chief na tutukan ang kaso ng pagpatay kahapon sa tabloid editor

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang Quezon City Police District na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pamamaril at pagpatay kahapon sa isang tabloid editor sa lungsod.

Tiniyak ni Eleazar na lahat ng anggulo sa krimen ay sisilipin upang malaman ang tunay na motibo at matukoy agad ang mga salarin.

Base sa paunang imbestigasyon ay binaril sa ulo ang biktimang si Gwenn Salamida ng mga salarin na pumasok sa kaniyang beauty salon sa Quezon City.

Binaril din ang kasama ng biktima na nasa kritikal na kundisyon ngayon.

Pagnanakaw ang unang tinitingnang motibo ng pulisya sa insidente.

Binilinan din ni Eleazar ang mga pulis na maging laging naka-alerto laban sa anumang uri ng krimen sa gitna ng kanilang pagpapatupad ng quarantine protocols, upang mapigilan ang mga masasamang loob na maaring magsamantala sa sitwasyon.