QC Pride Council, pupulungin para masigurong naipatutupad ang gender fair ordinance 

Upang masigurong naipatutupad nang maayos ang Gender Fair Ordinance, nakatakdang pulungin bukas bukas ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang QC Pride Council.

Ang naturang konseho ang namamahala sa pagbuo ng mga programa para sa mga miyembro ng LGBTQ o lesbian, gay, bisexual, transgender and queer.

Nagpatawag ng pulong ang alkalde matapos ang insidente sa isang mall na hindi pinahintulutang gumamit ng pambabaeng palikuran ang isang LGBT member, na kinondena naman ni Belmonte.

Kabilang sa tatalakayin sa Pride Council meeting ang pagtukoy sa kaparaanan kung paano ba marerespeto ang hanay ng LGBT, pati ang planong pagtatayo ng gender-neutral toilets sa lungsod, at pagkakaroon ng  gender sensitivity workshop sa mga pribadong tanggapan at establisimiyento.

Sinabi pa ni Mayor Belmonte na mahalagang ituro ang tungkol sa sexual orientation, gender identity & expression para maiwasan ang diskriminasyon.

Tiniyak niya ring hindi na mauulit ang nag-viral na insidente sa Lungsod Quezon.