QC, natanggap na ang dagdag na 285,000 doses ng bakuna

Natanggap na ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon, ang karagdagang 285,000 doses ng bakuna mula sa national government.

Ito ang masayang ibinalita ni Mayor Joy Belmonte, kasunod ng pagtitiyak na mas maraming residente ng lungsod ang mabibigyan ng bakuna.

Dahil dito, magpapatuloy ang pagbabakuna sa pamamagitan ng barangay-assisted booking, online booking, drive thru vaccination, homeowners association vaccination, QCProtekTODO bus, at partnership sa mga pribadong kumpanya.

Samantala, humihingi ng pang-unawa ang alkalde sa mga oras na nahihirapan magpalista o mag-book sa eZConsult app para sa schedule ng bakuna.

Ito ay dahil dumadami ang nagpaparehistro online para makakuha ng slot sa pagbabakuna.

Nakapagtala naman ang Lokal na Pamahalaan ng Quezon ng 26,000 nabakunahan kahapon, pinakamalaking sa kasaysayan ng pagbabakuna sa bansa.