QC, naglunsad ng drive-thru vaccination site para sa mga A1-A3 priority groups

Naging maayos ang sistema sa pagtuturok ng bakuna sa drive-thru vaccination site na binuksan ng Quezon City government sa SM City Malls sa lungsod .

Sa unang araw na inoculation sa SM Fairview Drive-thru site sa District 5, may 100 residente ng Barangay Greater Lagro na kabilang sa A1 at A3 priority groups ang nabigyan ng bakuna.

Karagdagan pang batch na
110 indibidwal mula sa Barangay Pasong Putik ang naturukan din ng QC medical workers at volunteers.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte,
kauna unahan sa lungsod ang pakipagpartner ng LGU sa SM City Malls para sa drive-thru vaccination.

 

Paliwanag pa ng alkalde, dumadaan pa rin sa normal na proseso ang pagbakuna tulad ng site registration, screening, vaccination, at post vaccination evaluation habang naka park ang kanilang sasakyan sa designated area.