QC, may sarili nang molecular laboratory na makakagpaglabas ng COVID-19 test results sa loob ng isang araw

Maaari nang magamit ng Quezon City government ang sarili nitong molecular diagnostic laboratory para makapag proseso ng COVID-19 test results sa loob lang ng isang araw.

Ito ay matapos makapasa sa proficiency test ng Research Institute for Tropical Medicine ng Department of Health .

Ayon kay Mayor Joy Belmonte malaki ang maitutulong ng molecular laboratory para mas mapahusay pa ang paglaban ng city government sa kinatatakutang virus.

Naniniwala din ang alkalde na mapabilis pa ang kanilang pagkilos pagdating sa contact tracing kaya maagapan ang pagkalat ng virus sa mga komunidad.

Dahil sa pagkakaroon ng sariling laboratoryo, mababawan na rin ang gastusin ng lungsod dahil hindi na nila kailangan magbayad sa mga pribadong hospitals at laboratoryo para sa test .

Matatagpuan ang molecular laboratory sa tatlong palapag na gusali sa Brgy. Teachers Village East na mayroong lugar para sa data encoding, conference rooms at sleeping quarters para sa 20 workers na mamamahala sa pasilidad.