QC LGU,nag-alok pa ng libreng edukasyon sa ilang pribadong paaralan

May pagkakataon pa ang ibang estudyante sa Quezon city na makapag aral ng libre o mas murang halaga sa mga pribadong paaralan ngayong school year 2020-2021.

Itoy matapos makipagkasundo ang lokal na pamahalaan sa National Teachers College at APEC Schools sa ilalim ng Yuchengco-Ayala Education partnership o i-people incorporated para dito.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, nagbibigay daan ito sa mga mag aaral para makapag enroll at makapag aral sa pribadong paaralan.

Binigyang diin ng alkalde na maraming pagpipilian ang mga estu─Ćyante at ang kanilang magulang pagdating sa pagpili ng eskuwela at paano maipagpatuloy ang kanilang edukasyon

Sa lahat na interesado ,maaari nilang tawagan ang NTC Scholarship Office sa contact number na 09165620606 at APEC Schools helpdesk na 77202620 or 09179567621 para sa iba pang detalye.