QC LGU, nangangailangan ng mga volunteer nurses at doctors

Nangangailangan na ng mga volunteers ang Quezon City government para mas mapabilis pa ang proseso ng pagbabakuna sa lungsod.

Para makamit ang herd immunity, kailangang mabakunahan ang mahigit 1.6 milyong katao na hindi kayang gawing mag-isa ng lokal na pamahalaan.

Sa inilabas na anunsyo ,
kailangan ng LGU ng mga nurses na magiging inoculators, mga medical doctors at post graduate interns na magsisilbi namang screeners.

Maaari silang makapamili ng mga araw at distrito sa lungsod na nais nilang pagsilbihan .