QC LGU, namigay ng tulong-pinansiyal sa sari-sari store owners at maliliit na negosyante sa Quezon City

Muli pang namigay ng tulong-pinansiyal ang Social Services Development Department ng Quezon City government sa mga sari-sari store owners at small business owners sa Lungsod Quezon.

Sa ilalim ng Small Income Generating Assistance Capital Assistance Program, may 170 benepisyaryo ang unang pinagkalooban ng tig-₱5,000.

Sinabi ni Mayor Joy Belmonte, layon ng programa na matulungan ang mga maliliit na negosyante na makabawi sa pagkalugi sa kanilang negosyo dulot ng pandemya.

Para sa mga nais pang mag-avail ng programa maaari silang makipag-ugnayan sa Vocational Development Division o di kaya ay sa Social Services Development Department ng City Hall.