QC LGU, nag-alok ng libreng swab test sa mga manggagawa na nagtatrabaho sa lungsod Quezon

Maaari nang makapag-swab test ng libre sa mga community-base testing sites ang mga manggagawa na taga Quezon City o nagtatrabaho sa mga kumpanya sa lungsod.

Ito’y kapag hiningan ng swab result ng kumpanyang kanyang pinapasukan sa Quezon city.

Sa abiso ng city government, kailangan lamang na magpakita ng valid ID na naka address sa Quezon City at kung hindi naman residente at nagtatrabaho lang sa lungsod ay kailangang magpresinta ng company ID.

Nilinaw ng LGU na prayuridad sa swab test ang mga aplikante sa trabaho, magbabalik sa opisina mula sa work from home at empleyadong ni-require ng kumpanya.

Hindi naman pasok sa libreng swab test ang re-swab para sa recovered patients, mga nakatapos sa quarantine at para sa travel requirements.