QC LGU, maglalagay na ng tamper-proof seal sa vaccination card ng mga nakakumpleto na ng bakuna

Simula ngayong araw maglalagay na ng tamper-proof seal ang Quezon City government sa vaccination card ng mga nakakumpleto na ng dalawang doses ng bakuna laban sa COVID-19.

Tinatawagan ng LGU ang mga nais magpalagay ng selyo na magpunta lamang sa district office na pinakamalapit sa kanilang lugar.

Paliwanag pa ng lokal na pamahalaan, ang vaccination card kahit walang selyo ay valid at dagdag na paraan lamang ito sa authentication ng card habang hinihintay ang uniform vaccination certificate mula sa national government.