Nagtalaga na rin ng mga pick up at drop off points ang Quezon City government para sa Oplan Libreng Sakay kasabay ng transport strike ngayong araw.
Dalawang bus ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ang inilabas na para sa libreng sakay.
Ruta nito ang SM Fairview hanggang Welcome Rotonda na nagsimula na kaninang alas-6:00 ng umaga na tatagal hanggang alas-9:00 ng umaga.
Magpapatuloy ito mamayang alas-4:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
May mga barangay din ang makikiisa sa Oplan Libreng Sakay at magde-deploy ng karagdagang sasakyan.
Madaling makita ito dahil may nakalagay na
Oplan Libre Sakay sign.
Sa DISTRICT 1, Barangay Alicia, Pickup point: Muñoz, Drop off point: Monumento.
Barangay Bahay Toro, Pickup point: Munoz
Drop off point: Mindanao Avenue.
DISTRICT 2, Barangay Batasan Hills, Pick up point: Ever Gotesco, Drop off point: San Mateo
DISTRICT 3, Barangay Bagumbuhay
Pick up point: Hi-top kanto Aurora
Drop off point: Aurora Caltex
Barangay Loyola Heights, Pick up point: Katipunan, Drop off point: MWSS
Barangay Milagrosa, Pick up point: J.P Rizal
Drop off point: Cubao Araneta
Barangay Pansol, Pick up point: Balara Gate
Drop off point: Katipunan
Barangay San Roque, Pick up point: Admin
Drop off point: 15th ave. Murphy Market
DISTRICT 4, Barangay Doña Aurora
Pick up point: Cordillera E. Rod
Drop off point: Quezon City Hall
Barangay Josefa
Pick up point: Banawe E. Rod
Drop off point: Morayta
Barangay Immaculate Conception
Pick up point: Cubao
Drop off point: Welcome Rotonda
Barangay Santol
Pick up point: Santol, Casiana, LRT
Drop off point: Araneta, Quezon Ave.
Barangay San Isidro Galas
Pick up point: Bluementrit, España
Drop off point: City Hall
DISTRICT 5, Barangay Kaligayahan
Pick up point: North Olympus
Drop off point: Quezon City Hall
Suspendido na rin ang klase sa Quezon City public elementary at high school hindi dahil sa tigil-pasada kundi dahil sa selebrasyon ng World Teachers Day.
Habang ang mga private schools at public colleges ay nasa discretion na ng school administrators kung magsususpinde ng klase.
Samanantala, suspendido na rin ang number coding scheme sa lahat ng Public Utility Vehicles (PUVs), ayon naman sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).