QC gov’t, nagbukas pa ng higit 1,600 na vaccination slots

Nagbukas pa kagabi ng 1,650 slots ang Quezon City government para sa COVID-19 vaccination ngayong araw, May 24 hanggang 26.

Gagawin ito sa Araneta Coliseum para sa A1 at A3 priority groups.

Tiniyak pa ng city government na magdadagdag pa sila ng vaccination slots kapag dumating pa ang karagdagang suplay ng bakuna mula sa Department of Health.

Base sa datos, umabot na sa 309,618 ang nabakunahan sa lungsod, 235,052 ang naturukan sa unang dose o 13.83% ng 1.7 million target population para makamit ang herd immunity.

Samantala, 74,566 o 4.39% ang naturukan na ng ikalawang doses.