Nagpasa na ng resolusyon ang Quezon City Council na humihiling sa Department of Transportation (DOTr) na ikonekta ang MRT 7-Fairview station sa isang mixed-use building sa Fairview para sa seguridad at convenience ng mga commuter.
Ang mixed-use building ay ang pinagsamang tatlo o higit pang istraktura sa iisang gusali tulad ng residential, retail, transportation terminal o parking.
Nakapaloob sa City Resolution 7874-2019, ang paghimok na gumawa ng covered walkway na kokonekta sa ginagawang MRT-7 station sa Fairview sa 33-storey commercial and residential building na ginagawa din sa lugar.
Ang paggawa ng proposed walkway ayon sa resolusyon ay dapat akuin ng building developer na RYS-Sons Holdings and Development Corporation.
Ang pagkonekta o pagdugtong sa MRT-7 Station ng mixed-use building ay hindi gagastusan ng gobyerno kundi ang developer lamang ng gusali.