Puwersa ng MILF na nais maging bahagi ng PNP at AFP, kailangang dumaan sa training ayon sa Palasyo sa harap ng inaasahang pagiging batas ng BBL

Walang exemption sa training ang sinomang miyembro ng MILF na mapapasailalim sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
 
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa harap ng inaasahang pagsasabatas ng Bangsamoro Basic proposed bill.
 
Binigyang-diin ni Roque wala namang special police force sa BBL kasunod ng naging pagtutol mismo ni Pangulong Duterte na magkaruon ng hiwalay na Bangsamoro police at Bangsamoro Armed Forces’ na ginugusto ng Bangsamoro Transition Council o BTC.
 
May pagkakasundo na aniya hinggil dito ang Ehekutibo at BTC na pumayag naman sa kagustuhan ng Presidente.
 
Dagdag ni Roque na dapat ding matingnan ang kuwalipikasyon nang mga magiging bahagi ng police at military organization na nasa ilalim ng superbisyon ng PNP at AFP.  | via Alvin Baltazar