Pulis sa Camp Crame, naging ika-82 tauhan ng PNP na nasawi sa COVID-19

Isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) Headquarters Support Service (HSS), ang pinakahuling miyembro ng PNP na nasawi sa COVID-19.

Ayon sa PNP Health Service, ang ika-82 na nasawi sa kanilang hanay ay isang 40 taong gulang na staff sergeant, na naka-assign sa Base Police Station sa Camp Crame.

Hindi ito bakunado at namatay nitong July 27, matapos magpositibo sa virus noong July 11.

Lumobo naman sa 30,156 ang kabuuang bilang ng mga tauhan ng PNP na tinamaan ng COVID-19, kung saan 29,117 ang naka-recover at 957 ang aktibong kaso.

Kasama na dito ang 115 bagong gumaling at 156 bagong kaso.