Publiko, wala dapat ipag-alala sa di pagdalo ng Pangulo sa National Heroes Day – Palasyo

Nasa maayos na kondisyon ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte at wala dapat ipag-alala ang publiko. I

to ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, makaraang di makadalo ang Pangulo sa pagdiriwang ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani kaninang umaga.

Ayon kay Panelo, posibleng napuyat lamang ang Pangulo dahil mayroon itong dinaluhang kaganapan kagabi, kayat nahirapan itong gumising.

Batid naman aniya ng lahat na night person ang Pangulo.

Sinabi ni Panelo, na nakatakdang bisitahin ng Pangulo ang burol ng mga sundalong nasawi sa encounter sa New People’s Army (NPA) sa Calbayog, Samar noong Biyernes.