Publiko, pinag-iingat ng PSA laban sa mga hindi awtorisadong nagpoproseso ng civil registry documents

Binalaan ng Philippine Statistics Authority ang publiko na huwag makipagtransaksyon sa mga indibidwal o accounts na nag-aalok ng fake na civil registry documents.

Naglabas ng warning ang PSA kasunod ng mga naglabasang accounts sa social media na nag aalok ng serbisyo sa mga gustong kumuha ng opisyal na dokumento.

Paglilinaw ng ahensiya,
tanging ang PSA Serbilis at PSA Helpline lamang ang awtorisadong kapartner ng PSA.

Ilan sa mga facebook accounts na ginagamit ang PSA sa kanilang hindi awtorisadong transaksyon ay ang Temporary PSA Correction by Charmaine, PSA Online Assistance Door to Door Delivery, N.S O.Certificate Process, PSA Online Delivery, at 3Js RTW Clothing and Document Services.

May ginagawa nang hakbang ang PSA sa mga awtoridad para mapanagot ang mga taong nasa likod nito.