Publiko, pinaalalahanan ng mga eksperto sa pagsasailalim sa neutralizing antibody test

Nagpaalala ang ilang eksperto sa publiko hinggil sa pagsasailalim sa neutralizing antibody test.

Tinukoy ni Health Committee Chair Angelina “Helen” Tan, na marami sa mga nabakunahan na ang sumasailalim sa antibody test at nagpa-panic oras na negatibo o mababa ang resulta ng kanilang anti-body.

Paliwanag ni Department of Science and Technology Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) Director Jaime Montoya, ang presensya ng antibody ay nangangahulugan na may proteksyon ang nabakunahan, ngunit ibang usapin kung protektado o immune mula sa COVID-19.

Nilinaw naman ni Dr. Michelle de Vera, na hindi basehan ang antibody test kung epektibo ba ang COVID-19 vaccine na naiturok sa kanila o hindi.

Maliban kasi sa antibody, isa pa sa proteksyon ng indibidwal ang cell-based immunity.

Dagdag naman ni Dr. Regina Berba, ang indibidwal na sasailalim sa anti-body test at makakakuha ng negatibong resulta ay hindi dapat mawalan ng kumpiyansa sa vaccine efficacy.

Hiling naman ni Tan sa Department of Health (DOH), na magkaroon ng information drive para sa pagpapaliwanag sa anti-body test upang hindi maapektuhan ang vaccine confidence ng publiko.