Public acceptance sa bakuna, tuloy tuloy ang pagtaas ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Dagsa ang tawag na tinatanggap ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan.

Ang dahilan ayon kay Galvez ay maraming LGU ang nagpapadagdag ng vaccine para sa kanilang constituents na isang kahayagan na tumataas din ang demand sa bakuna.

Nangangahulugan lang ito ani Galvez na nagkakaruon na ng public acceptance patungkol sa vaccine at lalo pang tumataas ito.

Karamihan pa rin ayon kay Galvez na maraming gustong magpabakuna ay mga economic frontliners at mga government workers. 

Kaugnay nito’y una na ring nagbigay ng direktiba si Pangulong Duterte kay Galvez na paspasan ang pamamahagi ng vaccine dahil marami na nga umanong naghihintay na mga lokal na pamahalaan sa gitna na rin ng mataas ng kumpiyansa sa bakuna.