PSMID, iginiit na walang bagong strain ng tigdas sa bansa

Nilinaw ng Philippine Society of Microbiology and Infectious Diseases (PSMID) na hindi bago ang strain na nararanasan ngayong outbreak ng tigdas.

Sa Health forum sa Quezon City, sinabi ni Dr. Mario Panaligan, pangulo ng PSMID na ang measles outbreaks ay bunga pa rin ng mga hindi nabakunahan na mga bata.

Nangangahulugan aniya na ang kasalukuyang vaccine pa rin ang mabisang panlaban para protektahan ang mga bata laban sa tigdas.

Sa ngayon batay sa kanilang datos, umabot na sa 4,322 ang mga kaso ng tigdas ang naitala ng Department of Health (DOH) mula Enero hanggang Pebrero 9.

Mula sa naturang bilang, umabot na sa 70 ang binawian ng buhay.  | ulat ni Rey Ferrer