PSA, nakipag-partner na sa Robinsons Mall para sa rollout ng PhilSys Registration sa buong bansa

Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na makapagrehistro ng 50 milyon hanggang 70 milyong Pinoy hanggang katapusan ng taon para sa Philippine Identification System(Philsys) ID.

Bawat buwan kailangang makakumpleto ng tinatayang limang milyong registrants para maabot ang target na bilang.

Nitong nakalipas na araw, nakipag-partner ang PSA sa Robinsons Malls para ilapit sa mamamayan ang pagpaparehistro.

Sa nilagdaang Memorandum of Understanding, magbubukas pa ng registration centers ang Robinsons sa lahat ng sangay nito sa buong bansa para sa Step 2 registration.

Ang partnership ay bahagi na rin ng Lingkod Pinoy Center Program ng Robinsons Mall na flagship public service advocacy na pinasimulan noong 2011.