PSA, maglalabas na lang anunsyo kapag muling binuksan ang mga registration centers sa NCR para sa Philsys registration

Tiniyak ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa publiko na maglalabas na lang ito ng anunsyo sa muling pagbabalik operasyon ng mga registration centers sa National Capital Region (NCR) para sa Philippine Identification System.

Naglabas ng pahayag ang PSA kasunod ng pansamantalang pagsuspinde ng operasyon sa lahat ng Registration Centers bilang pagsunod sa bagong quarantine restrictions ng IATF.

Sa inilabas na abiso, lahat ng apektadong registrants na nakapag-book ng appointment online mula Agosto 6 hanggang 20 ay pinapayuhang mag-book ulit sa register.philsys.gov.ph.

Asahan pa raw na may ilalabas pang karagdagang listahan ang PSA ng mga apektadong registration centers sa ilang lalawigan.