PRRD, magkakasa ng sariling imbestigasyon sa pagpapalaya ng heinous crime convicts – Sen. Go

Sinabi ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na magkakasa ng sariling imbestigasyon si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagpapalaya ng mga heinous crime convicts dahil sa good conduct time allowance (GCTA).

Ayon kay Go, layon ng gagawing imbestigasyon na ito ang malaman kung sino ang mga nagkamali o umabuso sa kanilang kapangyarihan kaya nakalaya ang mga convict na ito.

Gayunpaman, sa ngayon ay wala pang impormasyon ang senador kung sino ang aatasan ng Pangulo na magsagawa ng imbestigasyong ito.

Samantala, nais ni Go na maibalik sa kulungan ang mga convict na maling napalaya.

Giit ng senador, dapat silang hanapin, muling ikulong at kung ayaw simuko ay ipa-shoot to kill.

Dismayado rin aniya si Go, hindi lamang kay BuCor Chief Nicanor Faeldon kundi maging sa sistemang pinapairal ng ahensya.

Kaugnay nito, sinabi ng senador ang isyu na ito ay isang patunay na panahon na talaga upang ibalik ang death penalty sa bansa.