PRRD, hinikayat ang mga investor na maglagak ng negosyo sa buong bansa

Muling hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga investor na maglagak ng dagdag na negosyo, hindi lamang sa lungsod ng Davao ngunit maging sa ibang lugar sa Visayas, partikular na sa Cebu at Bohol na mabuting lugar rin sa pagnegosyo.

Sa kanyang talumpati sa grand opening at launching ng Dusit D2 Davao Hotel and Dusit Thani Residences sa lungsod kagabi pinasalamatan nito ang pamilyang Lorenzo, ang developer ng nasabing hotel dahil sa pagtulong sa turismo at pagbibigay ng trabaho sa mga Dabawenyo.

Mananatili umano siyang susuporta sa mga negosyante na makakatulong sa ekonomiya at turismo ng bansa.

Samantala, sinaksihan rin ng Pangulo ang turnover of token ni Mr. Tomas Lorenzo, Chief Executive Officer (CEO) ng Torre Lorenzo Development Corporation (TLDC), sa Armed Forces of the Philippines Educational Benefit System Office (AFP-EBSO).