PRRD, hindi iba-ban ang POGO operation sa bansa

 

Hindi ipatitigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng POGO sa bansa.

Ito ay sa kabila ng panawagan ng China na ganap nang i-ban ang POGO operation
dahil anila ay nauudyok nito ang mga Chinese na maging involve dito, gayung hindi ito pinapayagan ng kanilang batas.

Ayon kay Pangulong Duterte, pakikinggan niya ang sentimyento ng China ngunit siya pa rin ang magde-desiyon.

At nakapagpasya aniya siya na piliin kung ano ang tingin niyang magbi-benepisyo ang interes ng bansa, lalo’t marami ang nagugutom.

Makakaapekto kasi aniya sa ekonomiya ng Pilipinas ang pagba-ban sa online gambling, lalo’t maraming kawani sa larangang ito ang mawawalan ng trabaho sakaling ipatupad ito.

Kaugnay nito, nagbabala naman ang Pangulo sa mga POGOs na mag-remit ng tama sa pamahalaan kung hindi ay mananagot ang mga ito.