PRRD, dumalo sa pinakamahahalagang aktibidad ng huling araw ng APEC Economic Leaders’ Week

Dumating si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa huling araw ng aktibidad para sa APEC Economic Leaders’ Week.

Mula sa leaders arrival sa APEC Haus na nagsimula ng alas-8:15 (PNG time), nakilahok din ang Pangulo sa leaders’ official family photo.

Mula dito ay dumiretso ang Pangulong Duterte kasama ang mga kapwa lider nito para sa IMF  informal dialogue with leaders.

Ang kasunod na aktibidad ng Pangulo ay ang leaders’ retreat na susundan ng leaders’ working lunch.

Alas-2:30 ng hapon (PNG time), na alas-12:30 ng tanghali naman dito sa Maynila ang inaasahang leaders’ departure.

Magmumula naman ang Pangulo pabalik ng Pilipinas sa Jackson International Airport subalit hindi pa batid kung mananatiling alas kuwatro ang paglipad ng Presidente pabalik Pinas. | ulat ni Alvin Baltazar