Prosesong travel refund ng air passengers at pagpapanatili ng travel funds, ipinanawagan


Inihain ng MAKABAYAN bloc sa Kamara ang panukala na layong panatilihin ang bisa ng travel funds, at bilisan din ang proseso ng travel refunds ng air passengers sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa House Bill 9516, ipinapanukala ang pagkakaroon ng iisang proseso o pamamaraan para sa refund at rebooking ng airline tickets, mula sa flights na apektado ng pandemya o kahit natural disasters.

Itinutulak sa “Pandemic Airfare Relief Act of 2021,” na pahintulutan ang mga pasaherong apektado ng deklarasyon ng travel ban, health emergency o natural calamity, na makapag-avail ng agarang refund, libreng rebooking o deposit sa kanilang travel fund.

Pinaglalagay din ang airlines ng helpdesks, na tutugon sa mga concern o problema ng air passengers patungkol sa refund o rebooking.