Proklamasyon sa pagdedeklara sa Hunyo 15 bilang regular holiday, for signature na ng Pangulong Duterte

Lagda na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan upang maideklarang regular holiday ang Hunyo 15, ang araw ng pagtatapos ng Ramadan ng mga kapatid na Muslim. Ito ang kinumpirma ni Special Assistant to the President Bong Go.

Ayon kay Go, awtomatiko naman ang deklarasyon at ang hinihintay na lamang ay ang paglalabas na proclamation order na may kalakip na lagda ng Chief Executive.

Layon nitong bigyang daan ang pagdiriwang ng Eid’l Ftir o Feast of Ramadan na taun-taong ipinagdririwang ng mga kapatid nating Muslim.

Una dito’y nag-anunsiyo na ang Department of Education (DepEd) ng suspensiyon ng klase sa susunod na Biyernes, Hunyo 15 kaugnay ng nabanggit na pagdiriwang. | ulat ni Alvin Baltazar

Photo courtesy: Philippine News Agency