Prof. licensure exam, pag pasok ng Special Resident Retiree’s visa at dagdag na 2 racing days ng Philracom, aprubado na ng IATF

Inaprubahan na ng Inter Agency Task Force (IATF) ang pagsasagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) ng professional licensure examinations, mula July hanggang September 2021.

“On the request of the Professional Regulation Commission (PRC), the IATF provisionally approved the conduct of professional licensure examinations for July to September 2021.” —Secretary Roque.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangan lamang tiyakin ng PRC na masusunod ang health at safety protocols, na una nang inilatag ng pamahalaan laban sa COVID-19.

“Subject to conditions, such as PRC’s health and safety protocols and the observance of minimum public health standards, the issuance of the PRC-DOH-PNP guidelines, and the community quarantine classification of the concerned areas.” —Secretary Roque.

Samantala, pinayagan na rin ng IATF ang mga foreign national na holder ng Special Resident Retiree’s visa na makapasok sa Pilipinas, nang hindi na nangangailangan pa ng entry exemption document.

Habang pinayagan na rin ng IATF ang Philippine Racing Commission (Philracom), para sa dalawang karagdagang araw ng racing simula July 1. Subject pa rin ito sa mga health at safety protocols, at dapat na paggamit ng fully functional contact tracing app at off-track betting stations.

“Finally, the IATF allowed the Philippine Racing Commission two additional racing days beginning July 1, 2021, subject to approved health and safety protocols and the use of fully functional contact tracing application/s of off-track betting stations.” —Secretary Roque.