Proclamation No. 1179 na nagdedeklara ng opisyal na bilang ng populasyon ng Pilipinas as of May 2020, pirmado na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1179 na nagdedeklara sa opisyal na bilang ng populasyon ng bansa, as of May 2020.

Sa ilalim ng proklamasyon, nakasaad na base sa 2020 Census of Population and Housing ng Philipping Statistics Authority (PSA), nasa 109,035,343 ang populasyon ng bansa.

Ginawa ang sensus noong Setyembre 2020, at May 1, 2020 ang reference date.

Ang PSA ang responsable sa lahat ng national census at survey sa bansa, maging sa sectoral statistics, consolidation ng mga piling administrative recording system, at compilation ng national accounts.

Pirmado ni Pangulong Duterte ang proklamasyon, ika-6 ng Hulyo, 2021.