PRO XI, humingi ng impormasyon sa mga pulis na nais ma-promote

Hinihingi ngayon ng Police Regional Office (PRO) 11 ang tulong ng publiko sa pagbibigay impormasyon sa aabot sa 1,421 na mga pulis na nais magpa-promote sa kanilang pwesto.

Ayon kay PRO 11 Regional Director Brig. Gen. Marcelo Morales, importante na malaman nila ang pag-uugali ng mga personahe na nais umangat ang ranggo.

Sabi ni Morales ang impormasyon na maibibigay ng mga pribadong tao ay mahalaga para sa internal cleansing program nito upang masiguro na hindi tiwali ang mga pulis na kanilang ipo-promote.

Maaring ipagbigay alam ang kanilang nalalaman sa mga aplikante para sa promotion, sa kanilang hotline numbers na 0998-967-4145, 0933-823-2535, (082) 232-8064 at sa RPPSS Rehiyon Onse and Orphrdd Proeleven Facebook Page.

Sinisiguro ng naturang opisyal na itatago ang pagkakakilanlan ng mga taong magbibigay ng impormasyon o reklamo sa kanila.

Agad umanong magsasagawa ng validation ang kanilang tanggapan at agad na sasampahan ng kasong administratibo ang sinumang personahe na mapapatunayang nagkasala.