PRO 12, nagdeploy ng mahigit 500 pulis para sa ikalawang BOL plebiscite bukas

Nagdeploy ng 582 pulis ang Police Regional Office 12 para sa ikalawang yugto ng BOL plebiscite bukas sa North Cotabato.

Ayon kay PRO 12 Regional Director CSupt Eliseo Tam Rasco, ang bulto ng pwersa ay binubuo ng mga elemento mula sa regional headquarters, Regional Mobile Force Battalion, Provincial Mobile Force company, alert company at Explosive and Ordinance division.

Ang mga ito aniya ay naka-assign sa seguridad, habang 100 police non-commissioned officers ang naka-assign naman sa board of election inspectors.

Sinabi ni Rasco, na batay sa kanilang karahasan sa nakalipas na January 21 plebiscite, inaasahan nila na magiging maayos at mapayapa ang plebisito bukas.

Sa North Cotabato, ang anim na bayan na lalahok sa plebisito ay ang Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit, Pigcawayan at Tulunan.

Una nang sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, na personal siyang magtutungo sa North Cotabato para obserbahan ang pagdaraos ng plebisito. | ulat ni Leo Sarne