PRO 1, may bagong Regional Director

Itinalaga ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa si Police Brigadier General Rodolfo S. Azurin Jr., bilang bagong Regional Director ng PRO 1 (Ilocos Region) epektibo kahapon.

Ito ay kasunod ng pagreretiro sa serbisyo ni Police Brigadier General Joel Orduña ng PMA Maringal Class of 1988, na nanungkulan bilang Ilocos Regional Director mula April 2019.

Si Bgen. Azurin, na miyembro ng PMA Makatao Class of 1989, ay nagsilbi bilang Director ng PNP Maritime Group bago ang kanyang latest assignment, at Deputy Director ng Directorate for Personnel and Records Management noong 2019.

Si PBGen Omega Jireh D. Fidel, na miyembro din ng PMA Makatao Class of 1989 at dating Director ng the PNP Engineering Service ang pumalit kay Azurin bilang Director ng Maritime Group.

Si Police Colonel Abelardo Matillano ang itinalaga naman bilang Acting Director ng Engineering Service, habang si Police Colonel Angeles Genorga Jr. ang inilagay bilang Officer-in-Charge ng PNP Training Service.