Private colleges na nagsara dahil sa COVID-19, posibleng hindi na dumaan sa re-evaluation oras na muling magbukas – CHED

Maaari nang i-dispense ng Commission on Higher Edication (CHED) ang evaluation sa mga private higher educational institutions na nag-desisyong magsara ngayong taon dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Paliwanag ni CHED Commissioner Prospero De Vera, kung ang nagsarang private higher educational institution ay magbubukas sa susunod na taon at hindi magpapalit ng kanilang faculty ay hindi na sila kailangan pang sumailalim sa evaluation.

Batay kasi sa patakaran ng CHED ang bawat programa ng isang institusyon kasama na ang kanilang mga faculty ay sasailalim sa evaluation base sa quality standards ng ahensya.

Ayon kay De Vera, nasa halos apatnapung maliliit na private colleges ang napilitang magsara bunsod ng COVID-19 pandemic.