Prince Charles, humalili sa ama ni Meghan Markle para ihatid ito sa altar; Pelikulang Bhoy Intsik ni direk Joel Lamangan, wagi sa Nice International Filmmaker Festival

Ikinasal kahapon ang prinsipe ng Britanya na si Prince Harry sa American actress na si Meghan Markle.

Makasaysayan ito lalo’t mismong ang ama ni Prince Harry na si Prince Charles ang naghatid kay Meghan sa altar base na rin sa hiling ng bride.

Hindi kasi nakadalo ang ama ni Meghan na si Thomas Markle matapos sumailalim sa operasyon sa puso.

Malugod namang tinanggap ni Prince Charles ang request ng future daughter-in-law. Ito’y kahit pa hindi ito karaniwang ginagawa sa tradisyunal na royal weddings.

Sa ibang balita, wagi ang Pinoy film na “Bhoy Intsik” sa katatapos lang na Nice International Filmmaker Festival.

Nasungkit ni John Anthony Wong ang best editing award in the foreign language film category para sa pelikula.

Ang “Bhoy Intsik” ay kuwento tungkol sa pag-krus ng landas ng dalawang mandurukot at pag-usbong ng pagkakaibigan sa pagitan nilang dalawa. | via Eunice Garcia Langcauon